I-report ang mga kaso ng cable-cutting sa inyong lugar.

Ano ang intentional cable-cutting?
Ito ay ang sinasadyang pagputol at pagnakaw ng kable upang ibenta ang mga copper material mula rito.
Ano ang nangyayari kapag may cable cut?
Dahil sa cable-cut, nakararanas ang customers ng lokalidad ng malawakang pagkawala ng cable TV signal, internet connection, o di kaya ay power supply o kuryente. Samakatuwid, ang illegal cable-cutting ay maituturing ding pagnanakaw ng serbisyong kinakailangan ng inyong pamilya at pamayanan.
Ano ang kaparusahan sa illegal cable-cutting?

Ang intentional cable cutting ay illegal, bawal, at isang krimen!

Ang sinumang mahahatulang lumabag sa mga batas na ito ay maaaring patawan ng katumbas na parusa ayon sa pagpapasya ng korte:
  • Republic Act 10515 (Cable Theft Bill): 2-5 taong pagkakakulong o multang nagkakahalaga mula ₱50,000-₱100,000
  • Revised Penal Code Article 308 (Theft): karampatang parusa ayon sa halaga ng ninakaw
  • Revised Penal Code Article 327 (Malicious Mischief) at Article 328 (Special Cases of Malicious Mischief): karampatang parusa ayon sa halaga ng pinsala
Ang mga nakikipagsabwatan gaya ng mga nagbebenta o mga junk shops na bumibili ng mga ninakaw na kable ay maaaring kasuhan ayon sa Anti-Fencing Law (P.D. No. 1612 Section 3) at may kaakibat na parusa ayon sa halaga ng ninakaw o binenta.
Saan maaaring i-report ang pinaghihinalaang illegal cable-cutting activities?
I-report ang illegal cable-cutting activities sa inyong lokal na pulisya at barangay. Maaari ring mag-report sa SKY sa pamamagitan ng Report Form sa pahinang ito, sa SKY Security Hotline +63 2 34499111 (para sa mabilis na pagtugon, maaari itong gamitin para sa mga report sa loob ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna) o sa SKY 24/7 messaging platform na si KYLA sa Viber, Facebook Messenger at web browser.
.

Find the nearest SKY branch in your area

SKY Zone and Business Centers

Download the mySKY App

View and pay your bills
Know what to watch

Contact us
Refresh our Digibox